The Life that Bears Fruit
Juan 15:1-8
1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo.
4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5 “Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.
6 Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at nasusunog.
7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo.
8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko.
Ang Juan chapter 13 hanggang 17 ay mga pangyayari noong huwebes huling gabi ng kanilang hapunan (last supper) bago ipako si Jesus ng friday. Ang chapter 15 naman ay nangyari noong pagkatapos umalis ni Hudas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus.
Ibig-sabihin, ang mga kausap na ni Hesus simula sa chapter 14 hanggang 17 ng sulat ni Juan ay ay kanyang labing isang disipulo na tunay na malapit sa Kanya.
Ang puno ng ubas ay mayroong isang main tree kung saan doon nag mumula ang maraming mga branches ng at mga vines ng ubas. ganitong klase ng ubasan ang tinutukoy ni Jesus sa kanyang analogy sa chapter 15: 1-8.
Ano nga ba ang ibig-sabihin nito para sa atin bilang mga mananampalataya?
The Foundation of our Relationship to God (vv. 1-3)
Ang pinaka pinang gagalingan ng lahat ng sustansya ng lahat ng sanga ng ubas ay nag mumula sa pinakang puno na syang mayroong ugat. Tulad din ng relasyon natin sa Diyos. Si Hesus ang foundation ng relasyon na mayroon tayo ngayon sa Diyos.
Kaya hindi ang mga nagawa natin ang foundation ng ating relasyon sa Diyos, ito ay ang mga bagay na ginawa ng Diyos para sa atin, ito ay ang mga bagay na ginagawa ni Jesus para tayo ay mapalapit sa Diyos.
Jesus is The Source of Life (V. 1)
Mayroong buhay ang lahat ng sanga dahil sa buhay na nag mumula sa main branch o pinakang puno nito.
Ganoon din tayo, unang una sa lahat, ang ating Spiritual Life ay nagmumula kay Cristo, at ang Diyos Ama naman ang Siyang nag o-oversee sa atin. Base dito sa verse:
1 "Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga."
The Father Removes and Prunes (V. 2)
2 "Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana."
Two Different Actions ang ginagawa ng Diyos Ama:
- Inaalis Niya ang mga sangang hindi nagbubunga
- Nililinis Niya ang mga namumungang sanga upang mas mamunga pa.
- Ang idea nito sa english ay pruning. Ibigsabihin ay ginugupit o pinuputulan ang mga namumungang sanga upang mas makapag focus pa sa growth ay pamumunga.
Maaaring gamitin ng Diyos ang Kanyang Salita, at maging ang mga pagsubok upang hubugin tayo at tulungan tayong lumago sa ating pananampalataya.
God's Word Cleanses Every Believers (v. 3)
3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo.
Mahalaga ang Salita ng Diyos para sa ating paglago dahil nililinis at binabago nito ang ating isip. Hindi lamang ito mahalaga para sa head knowledge, ito ay mahalaga dahil ito ay instrumento ng Diyos upang tayo ay baguhin at linisin ang Kanyang mga alagad.
kapag tayo ay nakakaranas ng pagtutuwid o ng pagsubok. Hindi natin malalaman kung ano ang kalooban ng Diyos kung hindi natin alam ang nilalaman ng Kanyang mga Salita. Kaya hindi natin pwedeng i-expect ang Spiritual growth kung kinakalimutan natin ang Salita ng Diyos.
You cannot expect spiritual growth while neglecting the Word of God. A believer must allow God's Word to confront sin, correct wrong thinking, and shape his decisions.
Hindi ministry ang basis ng Spiritual growth, bagkus ay ang pananatili kay Cristo ang nag bibigay sa atin ng bunga.
Remaining in Christ Produces Fruit (vv. 4-6)
As we put our faith in Christ and abide in Him, we bear fruit because He is the source of our spiritual life and fruitfulness. Apart from Him, we can do nothing. The people who avoid Christ will lead them to nothing but judgment.
Abiding in Christ Produces Fruit (v. 4)
4 "Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin." MBBTag12
4 "Abide in me, and I in you. As the branch cannot bear fruit by itself, unless it abides in the vine, neither can you, unless you abide in me." ESV
The Greek word for 'Abide' is 'menō', meaning to remain, stay, or continue.
Abiding is not merely having a past experience with Jesus. It describes an ongoing relationship with Him.
Jesus does not just command His disciples; He also gives them the promise of His presence as they continually trust in Him, so that they may bear fruit through Him.
Apart from Christ no one Produces Fruit (v. 5)
Kung ang iniisip natin ay ang mga mabubuti nating gawa ang makakapag lapit sa atin sa Diyos, that is legalism and legalism will only produce nothing.
The Christian life is not simply doing things for Jesus. It is living in dependence on Jesus - at ito ang mas pinakamahalaga, because it will eventually produce fruit of doing something for Jesus.
Maaaring mayroon tayong maraming skills, education, resources, experience, leadership abilities, and organizational skills, pero hindi ito ang magbibigay sa atin ng malagong spiritual life, kundi ang ating pagiging dependence kay Jesus sa kabila ng lahat ng mayroon tayo.
Avoiding Christ, Sends People to Judgment(v. 6)
Without Christ we
have no Fruit, and without a fruit, we are cut off, and those that are cut off
withers and burned.
Ang idea lamang na gusto kong ibahagi sa talatang ito ay:
True disciples bear fruit by abiding in Christ, while those who do not abide in Him will face judgment.
Kung ang dahilan ng ating pananatili ay upang maging tama tayo sa harapan ng Diyos, mahihirapan lamang tayo at bandang huli ay susuko at kahit hanggang sa huli ay wala itong magiging bunga kundi pag hatol ng Diyos.
Huwag nating i-confuse ang ating sarili religious association with genuine discipleship.
Hindi dahil sa ang isang tao ay lumaki in a Christian family, nag-a-attend ng church, mayroong ministry position, or being familiar with the Bible ay nangangahulugan na siya mayroon genuine spiritual life.
Ang tanong ay hindi lamang sa kung ikaw ba ay nagchu-church o nakikibahagi sa mga gawain.
Ang tanong ay kung ikaw ba talaga ay na kay Cristo?
Because our relationship in Christ is the beginning and foundation of our spiritual growth, trough Him we will bear fruit.
Spiritual growth leads to a new desires. That is why abiding in Christ produces New Desires.
Abiding in Christ Produces New Desires (vv. 7-8)
And it starts with shaping our prayer. Kung ano ang bagay na laging laman ng panalangin mo yun ang bagay na mahalaga para sayo.
Abiding in Christ Shapes our Prayer (v. 7)
Sabi ni Jesus, Juan 15:7
Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo.
Kung nananatili tayo
sa Kanya, nananatili din ang Salita niya sa atin. At ang ating pagsuko sa
Kanyang Salita ay nagbubunga ng pagbabago ng isip, na ang hinahangad ay ang
kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng ating pananatili sa Kanyang Salita tayo patuloy na hinuhubog ng Diyos at nililinis, sa ganito ding paraan ay binibigyan tayo ng Diyos ng bagong desires na naka aline ayon sa Kanyang kalooban.
We always pray for what our wants, needs, plans, at maraming pang bagay patungkol sa atin. But the question is, does this desires leads to spiritual growth? Yun bang sa tingin mo ay kailangan mo ay kailangan mo ba talaga? And when you pray for your plan kasama ba don ang kalooban ng Diyos?
When we pray for these things, how often, we pray, ask and seek for His will? Gaano ba natin dine-desire ang kalooban ng Diyos higit sa kalooban natin?
And gaano ba tayo ka humble enough, para tanggapin ang correction ng Diyos sa atin?
Tutuparin ng Diyos kung anong hilingin natin kung hinahanap natin ang Kanyang kalooban sa lahat ng panalangin natin.
Because part of our growth is desiring to glorify God - our ultimate purpose.
Abiding in Christ fulfills our Ultimate Purpose (v. 8)
Because, abiding in Christ fulfills our ultimate Purpose.
8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko.
Tutuparin ng Diyos ang lahat ng ating kinakailangan sa pamamagitan ni Christ Jesus, upang tayo ay lumago sa kabalanan at mamunga ng pag-ibig - tulad ng kung paano natin naranasan ang Kanyang pag-ibig, hanggang sayo ay maging isabg buhay na testimony para mabigyan ng kaluwalhatian ang Diyos
Sa mga sulat ni Juan, may ilang ulit din niyang ipinapakita ang pagkakaiba ng isang tunay na alagad at may pananampalataya, kumpara sa mga may outward association lamang.
Kung si Jesus na mismo ang nagsabi na hindi tayo mamumunga kung tayo ay malayo sa Kanya, why do we attempt to do things on our own way? Kung hindi naman pala ito mag bubunga ng ating spiritual growth.
Why should we pursue things without Him? May maganda ba itong benefit para sa ating spiritual growth?
So, Abide in Christ and grow with Him.
Because the Life that Bears fruit is the
life that remains in Christ, and desires to glorifies God.
Post a comment