The Life That Bears Fruit Pt. 2
Noong bago pa lang akong mananampalataya, ang pamantayan ko ng spiritual maturity ay ang ministry. Mas maraming ministry, mas spiritually matured, mas malaki ang ministry ay mas malago spiritually. Hangang sa na-realize ko na ang batayan pala talaga ng pag lago ay ang relationship natin kay Jesus. Hindi ibig-sabihin na marami kang ginagawa para sa Kingdom ng Diyos ay malapit ka na sa Diyos.
After Jesus said in early verses "abide in Me," then He said in these next coming verses is "abide in my love,"and how do we abide in His love.
John 15:9-10
MBBTAG12
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.
10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
ESV
9 As the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my love.
10 If you keep my commandments, you will abide in my love, just as I have kept my Father's commandments and abide in his love.
Bago nya sabihin 'abide in my love'. Sinabi muna Niya kung gaano kasagana ang Kanyang pag-ibig para sa Kanyang mga alagad.
Knowing God Teaches us What it Means to Remain in Christ's Love
Our relationship with God begins when we understand the love of God for us. Gaano kasagana ang pag-ibig ni Hesus para sa Kanyang mga alagad? Kung paanong iniibig Siya ng Ama, gayundin naman, iniibig Niya tayo. Ibig sabihin the perfect love of God that He has before even the foundation of the World, is the Love that He has for us—ganoon kasagana ang pag-ibig ni Hesus para sa Kanyang mga alagad. At ganoon, din naman para sa atin.
Iniibig natin ang Diyos dahil alam natin na Siya ang unag umibig sa atin.
God's love teaches us that His love is unearned, but graciously given through Christ. Kaya nga, ang pag-ibig ng Diyos ang pinaka Foundation ng ating relationship sa Kanya, at ito din ang pinaka grounds ng ating obedience. Dahil ang ating obedience ay ating tugon sa pag-ibig ng Diyos para sa atin.
As we read our bible, itanong natin, alin ba dito ang nagbibigay sa akin ng chalenge upang sumunod, ano ba sa mga nabasa ko ang hinihimok ako ng Banal na Espiritu na baguhin ko?
Also try to ask paano ko ba maipapakita ang pag-ibig ko sa Diyos ngayong alam ko na inibig na Niya ako noong una pa lamang? Because knowing to love God will lead us to also love our neighbor.
Knowing to Love God, Teaches us to Love One Another
Because understanding how to love God will lead us to one commandment of Jesus in this context. 'Love one another as I have loved you.' ( 13:34-35, John 15:12)
Kung ang pagkaunawa natin sa pag-ibig ng Diyos ang nag-uudyok sa atin na sumunod sa Kanya, ipinapakita naman natin ang ating pag-ibig sa Kanya sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kanyang mga utos. Ang ating pag-ibig sa Diyos at pagsunod sa Kanya ay naipapakita rin sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa ating mga kapatid kay Cristo at sa ating kapwa.
If we live in unity as a Church, we will be a living Instrument of Hope for our Community and beyond.
Loving God and loving people around us is a two side of a coin. Hindi natin maipapakita ang pag-ibig natin sa Diyos kung hindi natin ito ipinapakita sa ating kapwa.
What Jesus is
telling as He commands the disciples to love one another is to live in unity,
at ang unity ay nagsisimula sa humility. Therefore, if we want to learn how to love our brothers and sisters in Christ and also our neighbor, we must first see how did Jesus wipe and cleanses the feet of His disciples in Chapter 13 of John's gospel. That is humility when we lift up others, and bow down to serve them, that is also a gesture of love.
Every night, bago tayo matulog, itanong natin sa ating mga sarili, can the people around me see the love of Christ through the way I treat them?
Spiritual maturity involves more than knowing about Christ or feeling close to Him. It includes learning to live according to His Word. And this is what His Word commands us—to love one another.
Keeping the Command of Christ is the Evidence of our Abiding
10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. - Juan 15:10
10 If you keep my commandments, you will abide in my love, just as I have kept my Father's commandments and abide in his love. - John 15:10
Jesus has given His example. Let us keep His commandment as how He keeps the commandent of His Father. Dahil ang pagsunod ni Hesus ang ebidensya na Siya ang tunay na nag-iisang anak ng Diyos—ang Messiah.
Ang ating pagtupad ang katibayan para
sa lahat ng nakakakita at para na din sa atin na tayo ay nananatili sa pag-ibig
ng ni Jesus. Sa pamamagitan ng ating pag keep sa ating puso at isipan ng Kanyang utos at sa pag tupad natin nito, nakikita ng maraming tao na tayo ay mga disciples ni Jesus at nalalaman natin sa sarili natin na tayo ay nananatili sa Kanya.
Abiding in Christ ay isang pang araw-araw nating decision na ilagak ang ating tiwala kay Jesus na Siyang unang umibig sa atin. Hindi lamang sa mga challenges atin siya alalahanin; bagkus ay maging sa ating mga ordinaryo ginagawa sa araw-araw, in every decisions that we make we put our trust in Christ. Kaya kailangan natin sa araw-araw ang sustaining grace ng Diyos at maging ang gabay ng Banal na Espiritu upang tayo ay mag-grow sa ating pagsunod at mamunga spiritually para sa kawulhatian ng Diyos.
Spiritual growth ay hindi limited sa pag attend ng Sunday worship service, pag take note ng sermon/preaching, and excitement sa pag attend sa mga gawain ng Church. Bahagi din nito ang pattern ng patuloy na pagtitiwala kay Cristo at pag tupad ng lahat ng ating mga natutunan sa ating ordinaryong pang araw-araw na buhay.
Kaya maaari nating itanong sa ating sarili, Ang relationship ko ba kay Cristo ay hinuhulma ang buhay ko hindi lamang sa loob ng Church kundi maging sa lahat ng ginagawa ko sa araw-araw?
Jesus
has already loved us; kaya naman, tayo ay magpapatuloy at mananatili sa ating
pamumuhay in obedience to His love. That is how our life become more fruitful -
By abiding in His love, and display it with our obedience.
Post a comment