Published on

The Life That is Rooted in The Lord

In March 2022, ang (WHO) World Health Organization ay naglabas ng article report na, ang global prevalence ng anxiety and depression ay tumaas ng approximately 25% noong unang taon ng pandemic. fear, isolation, grief, financial difficulties ang ilan sa mga factors na pag taas na ito.

Isipin natin no, in just a short period, maraming bagay ang dating nag paparandam sa atin ng security ang biglang naging uncertain. We could not be certain, about our health, our jobs, finances or even kung makikita pa ba natin yung ilan nating minamahal sa buhay.

Pinapaalala sa atin ng dumaan na pandemic na, wala tayong complete control, sa lahat ng nangyayari sa ating buhay.

Ito ang tanong na maganda nating i-consider: Kapag ang mga bagay na ating naging sandigan ay biglang nawalan ng kasiguraduhan, saan natin inilalagak ang ating tiwala?

Ang atin bang kapayapaan ay naka depende sa temporary at material na bagay? tulad ng pagkakaroon ng stable na trabaho, good health, sapat na pera, o komportableng buhay.

Ano ang mangyayari sa atin kapag ang lahat ng ito ay bigla na lang mawala sa atin?

Sa Jeremiah 17:7-8, makikita natin ang kaibahan ng tao na humaharap sa uncertainty ng buhay. Ang tao nag ang tiwala ay na kay Yahweh.

Ano ba ang description ng Diyos, sa buhay na rooted kay Yahweh?

Ang katulad nya ay isang puno na naka tanim malapit sa batisan.

Ang Punong Nakatanim sa Tabi ng Batisan

MBB

7 "Mapalad ang tao na nagtitiwala sa Panginoon,
at ang pag-asa ay ang Panginoon.
8 Sapagkat siya'y magiging tulad sa punungkahoy na itinanim sa tabi ng tubig,

ESV

7 "Blessed is the man who trusts in the Lord,
whose trust is the Lord.
8 He is like a tree planted by water,"

Hinalintulad ni Yahweh ang isang taong sa Kanya nagtitiwala, ang buong pag-asa ay nasa Kanya.

Ito ay parang isang puno na nakatanim sa batisan.

Apat na bagay ang mahalaga para sa puno: Sunlight, Air, Soil, and Water.

Yung sunlight, air, soil, ay lahat can be properly given by nature at all times.

Pero yung tubig, hindi sa lahat ng oras makakamtan ng puno, sa hamog at ulan lamag kumukuhang tubig ang isang puno. Kaya may panahon ng tagsibol at taglagas.

So, kung ang puno ay nakatanim malapit sa tubig, ibig-sabihin ang lahat ng kanyang kailangan, kahit sa panahon ng tagtuyot ay naiibigay pa din. Yun ang klase ng mapalad na puno.

Hindi ibig sabihin na pinagpala na siya ay hindi na darating ang panahon ng tagtuyot, darating ang panahon ng tagtuyot pero ang kanyang pag-asa ay nasa tubig ng buhay— si Yahweh.

Likewise, sa ating mga Christian, Ang ibig-sabihin ng mapalad o pinagpala ay ang ating buong pagtitiwala Kay Yahweh.

Una, ang ating pag-asa ay nasa Pangako ng Diyos—secured na ang ating future because of what God has done.

Pangalawa, ay araw-araw nating ipinagkakatiwala ang bawa't araw kay Yahweh. Ang ibig-sabihin nito ay hindi tayo katulad ng klase ng tao na nabanggit sa verses 5-6,

Jeremiah 17:5-6,

5 "Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao,
sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.
6 Ang katulad niya'y halamang tumubo sa disyerto,
sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang tumutubo;
walang mabuting mangyayari sa kanya."

Tulad ng problema ng Judah noong panahon ni Jeremiah, maaari din nating sabihin na si Yahweh ang ating Diyos at sa Kanya lamang tayo nagtitiwala. Pero in a practical day-to-day basis, hindi natin ito ginagawa.

Dahil ang ating pag titiwala sa Diyos ay hindi lamang basta isang intellectual belief—na sinasabi mong Christian ka dahil alam mo ang lahat ng tinuturo ng bible at alam mo na, na kay Cristo lamang ang buhay na walang hanggan. 

Ang theology natin ay dapat nakaka-apekto on how we think, make decisions, respond to crisis/difficulties, and teach us to depend on God.

Ang kanyang tiwala, ay hindi sa kanyang sarili at mga ari-arian sa buhay, kundi naka-ugat sa batisan tulad ng isang puno.

Ang Tiwala ay Nakaugat sa Batisan

Ang pinaka magandang analogy patungkol kay Jesus ay "Living water", ito ay sinabi ni Jesus noong kausap Niya ang Samaritan woman sa balon (John 4:10), at noong feast of boost sa harapan ng maraming tao (John 7:37-39).

Ang buhay ng puno ay nag mumula sa tubig, dahil yung araw, lupa at oxygen ay laging given na para sa puno. Pero yung tubig ay madalas dumarating lamang in seasons or sa pamamagitan ng hamog.

Mapalad ang taong nagtitiwala kay Yahweh dahil, ang tulad niya ay isang puno na nakatanim sa tabi ng batisan. At ang sumunod pang sinabi sa verse 8 ay,

ESV

"that sends out its roots by the stream,
and does not fear when heat comes,"

MBB

"ang mga ugat ay patungo sa tubig;
hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init,"

Kapag dumating ang panahon na ang ating tiwala sa Diyos, ay masusubok ng panahon at tagtuyot. Saan kaya naka-ugat ang ating tiwala?

Kung sa material na bagay, ang lahat ng 'yan ay lilipas at mawawala.

Pero kung kay Yahweh ka nagtitiwala araw-araw,

Mauunawaan mo na:

Hindi lamang ang kasaganahan sa buhay ang sukatan ng pagpapala.

Hindi ibig-sabihin na may mabigat na pagsubok na pinag dadaraanan ang isang tao ay pinagkaitan na Siya ng Diyos. Ang faithfulness ng Diyos ay makikita natin sa maraming bagay, hindi lamang sa material. Tulad ng buhay na walang hanggan. Aanhin mo ang kayamanan dito sa mundo, kung hindi ka naman nagkaroon ng bunga o spiritual fruit?

Therefore, huwag nating gawing sukatan ng blessings ang material na bagay. And when difficulties come, huwag nating i-abandon ang Salita ng Diyos at i-assume na dumaranas tayo ng hardship sa buhay dahil tayo ay binigo na Niya.

Seek God's wisdom from His Word and continue walking faithfully even sometimes it feels like it doesn’t make sense.

Dahil sa ating pananatili—pag abide in times of difficulties, doon tayo nagiging mas rooted sa ating pagtitiwala sa Diyos.

Kung ang puno ay deeply rooted in Christ. Makikita ito sa Kanyang Luntiang kulay at mga bunga kahit sa panahon ng pagsubok.

Ang Dahon ay Luntian at Patuloy na Namumunga

Sa panahon in crisis in life, at kapag na o-overwhelmed na ang isang tao ng maraming bagay sa buhay nya, maging ng ating nararandaman, madalas sinasabi ng marami na, "sundin mo kung saan ka masaya, kung anong nasa puso mo sundin mo."

Pero ang sinasabi ng Salita ng Diyos ay,

Jeremiah 17:9,ESV

"The heart is deceitful above all things,
and desperately sick;
who can understand it?"

Mandaraya ang ating puso, at minsan-madalas ay dinadaya tayo ng ating emosyon dahil hindi tayo nagagabayan ng Salita ng Diyos.

Kapag tayo ay dumaranas ng pagsubok, we must be willing to be humbled by the Word of God, kung mayroong gustong i-expose ang Diyos sa atin, humbly accept our circumstances with full trust and by the grace of God, mapagtatagumpayan natin kung ano man ang ating pinagdaraanan.

Minsan, when the topic is about victory over suffering ang madalas na navi-visualize ng tao ay kung papaano ma-overcome yung cirmustances by making it fade.

Minsan, ang victory over circumstances ay acceptance. Katulad ng kung paano tinanggap ni Paul kung ano ang kanyang pinag dadaanang sakit.

When someone is deeply rooted in Chirst makikita ng lahat ng tao ang bunga ng ating pag-asa, at ang luntian nating buhay na nagiging instrument of hope, kahit pa tayo ay nakakaranas ng tag-tuyot sa ating buhay.

Maaaring ngayon, ay dumaranas ka ng drought season sa inyong buhay, tandaan mo na hindi porket pakirandam mo na parang malayo na ang Diyos ay tama na agad ang iyong pakirandam. Lahat tayo ay daranas ng drought seasons in life, Kaya't ang kailangan natin ay ang manatiling naka-ugat ang ating tiwala sa source ng ating buhay—sa Diyos.

At makikita ng lahat ng tao, na ang buhay na deeply rooted in the Lord is the life that is green as our hope in Christ and is bearing fruit despite the crisis in life.